Taking too long? Close loading screen.

Ang Aming Metodolohiya

Pagkolekta ng Datos

Ang proyektong ito ay gumagamit ng dalawang paraan para sa pagkolekta ng datos: pagsusuri ng mga tauhan ng midya, na ipinamahagi online, at malalim na panayam sa mga tagapamahala ng midya na isinasagawa online sa pamamagitan ng mga video call. Ang dalawang-paraan na diskarte ay idinisenyo upang maunawaan ang mga uliran ng sekswal na panliligalig sa mga newsroom, at sukatin ang mga pananaw mula sa mga opisyal na may mga posisyon ng kapangyarihan sa loob ng mga organisasyon ng midya.

Ang mga tugon sa pagsusuri ay hindi nagpapakilala at ang mga kalahok sa panayam ay binigyan ng hindi totoong pangalan upang protektahan ang kanilang pagkakakilanlan.

Ang pangongolekta ng datus ay naganap noong Nobyembre 2020 hanggang Marso 2021. Ang mga pagsusuri at malalim na panayam ay isinagawa nang malayuan upang sumunod sa mga regulasyon ng COVID-19. Lahat ng pangongolekta ng datus ay nasa mga lokal na wika. Ang pagsusuri ay tumagal 19 minuto upang makumpleto.

Katuturan, Wika at Laki ng Sample

Alam ni WIN na ang wika sa paligid ng kasarian at sekswalidad ay patuloy na mabilis na umuunlad, tulad ng nangyari habang isinusulat ang ulat na ito. Ang pagpino ng mga salita at ang mga kahulugan ng mga ito ay batay sa aming pag-unawa sa kung paano umuunlad ang mga kumplikadong konstruksyon na nauugnay sa sekswalidad at kasarian.

Sa pananaliksik, inanyaya ang mga kalahok na pumili ng kanilang pagkakakilanlan bilang Babae, Lalaki o Gender Nonconforming. Ang dami ng partisipante na kinilala ang sarili bilang nonconforming ay maliit lamang. Ang maliit na sample na ito ay hindi nangangahulugan na ang kanilang karanasan ay binabale-wala lang. Subalit, sa pananaw na statistical, nagbibigay ito ng hamon dahil mahirap na hanapan ito ng makabuluhang relasyon mula sa datos. Ang mga statistical na pagsubok ang kadalasang nangangailangan ng malaking sample size upang mapasiguro ang pamamahagi ng kinatawan ng populasyon at maisaalang-alang ang kinatawan ng grupo ng mga tao kung saan ang resulta ay mapangkalahatan o maililipat. Iyon ay, sumakatuwid, mahalaga na isaalang-alang. Ang datos, gayunpaman, nagpapakita na ang karanasan ng sekswal na panliligalig ay hindi dapat na isawalang-bahala sa kahit na anumang grupo. Kaya, kahit na maliit lang ang numero, kinikilala namin ang katunayan na ito.

Kinikilala ng WIN ang malalim na pagkakaiba-iba tungol sa laki, lebel ng pag-unlad, politikal, legal at sistema sa ekonomiya, heograpiya, kultura at kasaysayan sa bawat indibidwal na banwa. Ito ang dahilan kung bakit nakatuon kami sa rehiyunal na ginagamit na pamamaraan ng mga naranasang sekswal na panliligalig sa yugto na ito ng pananaliksik.

Tinukoy ng WIN ang sekswal na panliligalig bilang hindi gusto at nakakasakit na pag-uugali, ng sekswal na uri, na lumalabag sa dignidad sang isang tao at nagpaparamdam na sila ay napapasama, napahiya, tinatakot o binabantaan.

Kalkulasyon ng Pag-visualize ng Datos

Kung pareho na kinakalkula ang berbal at pisikal na panliligalig para sa visualisation, ang pinagsama-samang porsyento ng berbal at pisikal ang ginamit upang kalkulahin ang mean average:

*ang kabuuan ay pantay sa kabuuan ng mga sumagot sa mga tanong.

Data interpretation

Percentages are of the participants of any given region/country – ie) 40% of the 2,005 participants in the study experienced verbal sexual harassment. These are reflected as bubbles in the graphics. If no participant responded they had experienced sexual harassment, the bubble does not appear.